"basta lang..."
pilit nililibang ang sarili
upang panahon ay mapadali
ganunpaman sadyang mabagal
ewan ko ba, basta miss kita
bakit kahit saan pumunta
di lubusang maging masaya
kahit saang sulok mapadpad
ewan ko ba, basta kailangan kita
sa isang taon na pagsasama
ikaw ay mas nakilala
magkasama sa lungkot at saya
ewan ko ba, basta mahal kita
di man matugon mga sagot
sa mga katanungan ko
dito lang talaga ako sigurado
basta miss kita, kailangan kita, at mahal kita

