Naaalala ko pa yung batang nakasabay ko sa jeep nung ako'y binata pa.
nagtitinda sya ng chicharon at kung anu ano pa sa dis oras ng gabi at mukhang antok at pagod na.
Meron akong nakita, isang buong pamilya. Nagpapahinga at naghahanda nang tumulog sa tabing
kalsada, meron pa silang kasamang sanggol na katabi rin nila sa kalsadang matulog.
Ano pa ba ang dapat kong hilingin sa Diyos? Biniyayaan nya ako ng maayos na trabaho, hindi ko
kailangan mahirapan gaya ng iba. Binigyan nya ako ng maayos na bahay at sasakyan para magamit
ng pamilya ko. Meron akong mga anak na malulusog, asawang mapagmahal.
Ito ang kailangan ko maintindihan at maisapuso kapag may mga oras na hindi ako ma udyok at mag pursigi
sa aking buhay at trabaho.
happy new year pala...

No comments:
Post a Comment